Pamagat:"Isang dipang langit" Akda ni: Amado V. Hernandez
1. basahin at suriin ang mensahe ng tulang "Isang dipang langit" ni Amado V. Hernandez.
– Suriin Kung anong uri Ng tula?anong Teorang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
Sagot:
Ang tulang ito ay isang pandamdamin dahil sa aking nabasa ay tungkol sa karanasan ng isang taong nabilanggo sa puno ng lungkot ang kanyang buhay sa loob ng bilangguan .Biyograpikal ang teoryang pampanitikan dahil pinapakita ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa loob ng bilangguan at walang kawalan ang pag asa na mayroon siyang pag asa ka may pagkakataon na mabago ang kanyang buhay.
– Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng
persona sa tula.
Sagot:
Ang diwa/tema na inilalarawan ng persona sa tula ay kung ano ang kanyang buhay at karanasan ng siya ay nasa loob pa ng bartolina.
– Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
Sagot:
Ang saknong na aking napili ay ang "Ang tao't bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may bastilya'y may Batang gaganti" sapagkat ang paniniwala at tunay na pananampalataya natin sa maykapal ang siyang nagtutulak sa atin na kahit na saang sitwasyon tayo mapasakit man Yan o kasiyaha ang panginoon lang ang ating sandigan.bawat pagod at may kapalit na kapahingaan, bawat.kalungkutan ay may kapalit na kaligayahan at iba pa,dahil ika nga diba ang "buhay ay parang gulong,minsan nasa ibaba minsan nasa itaas".
2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
Sagot:
Si Amado V. Hernandez (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang .Manunulat ng mga manggagawa sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
3.Gawing maikling kwento ang tulang " Isang dipang langit" ni Amado V. Hernandez.
–Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang depang langit.
Sagot:
Sa tulang ito ay ipinapakita ng isang bilanggo ng kahit anong pagsubok ang dumating sa kanyang buhay ay hindi niya ito sinukuan dahil mas naging matatag siya upang maipakita na kung gaano siya katapang na harapin lahat ng pagsubok na iyon dahil yun lang ang dapat niyang gawin upang maipakita na hindi siya susuko sa lahat ng pagsubok sa kanyang buhay. At mas naging sandalan niya mga pagsubok na iyon upang malampasan ang maging matapang sa ano mang dumating na mga problema sa kanyang buhay.
Comments
Post a Comment